My Blog List

Saturday, February 5, 2011

Paglalahad

Ito nag aking unang sabak sa blogging. Matagl ko nang minimithing mailahad at mai-share sa lahat ang aking kwento, tagumpay man o kabiguan, kasayahan o kalungkutan, at mga kwento ng puso, pagmamahalan at pag-aawayan.

Sana ay samahan nyo ako sa aking paglalakbay. Alam kong kakailanganin ko ang inyong pagdamay sa minsan nang masalmuot na paglalakbay.

Ang mundo ay malawak, pero minsan ay nagiging isang maliit na kulungan, lalo na sa mga taong may mabigat na dinadala, problema man o sadyang kabiguan sa buhay.

Ako ay naging lahat ng ito, at minsan ko nang nakayanan ang lahat, pero hanggang kelan ang kakayahan kong lumaban?

Kayo ang magiging gabay at lakas ko, mga kaibigan ko.

Rafi

3 comments:

  1. hi Rafi, nice to have visited here...this is your first post? welcome to blogging! =D

    and DH is also your follower? hehe...small world!

    ReplyDelete