My Blog List

Saturday, February 5, 2011

Unang Yugto

Minsan ko nang tinanong ang aking sarili kung bakit kahit ako'y nasasaktan, ay hindi pa rin ako makalimot, hindi pa rin ako makalaya. At sa tuwing maisip kita, ay lalo akong nasasaktan, lalong naninikip ang aking dibdib, di ko malaman kung sa galit sayo o galit sa sarili ko, o dala lamng ito ng labis na awa sa aking sarili dahil sa lugmok kong kinalalagyan ngayon, ang labis na nagluluksa dahil sa pagkawala ng pagmamahalan - hindi, dahil sa pagtalikod mo sa ating sumpaan ng pagmamahalan.

Saan ko man ibaling ang aking mga paningin, ikaw at ikaw ang nakikita ko. Ako na yata ang pinakasira-ulong tao sa mundo, iyon ay dahil nagmahal ako sayo.

Hindi ko maitago ang aking kalungkutan. Alam kong sa ngayon ay dapat kong damhin ang sakit na ito, dapat kong lasapin ang bigat ng puso, ang at ubusin ang mga luha, at nang sa gayon, mailabas ko ang lahat-lahat ng aking nararamdaman, mailabas ko ang lahat ng galit at hinagpis, at nang sa huli, sa huli ay makaramdama ako ng pagod, maitulog at maipagpahinga ang pagod ko ng pagkatao. At kung ang lahat ay wala na, akoy manhid na, di na ako masasaktan. Di mo na ako masasaktan.

Di mo na ako masasaktan!

5 comments:

  1. grabe naman ang unang yugto ng buhay mo rafi, talagang dibdiban... ok klang ba jan? =(

    ReplyDelete
  2. "Darating din ang araw ng paglaya."

    ReplyDelete
  3. awww...gasgas na linya na to pero it's true - time really heals all wounds. Makakatulong din ng malaki kung aalisin mo na lahat ng communication with him. Pero kung di naman sya naging masama sa iyo, iwasang magsalita ng masakit at mga stuff na pagsisissihan mo in the end. Who knows bka maging magkaibigan din kayo later on.

    cheer up!

    ReplyDelete
  4. @Prop, ok naman po ako, tyy po...

    @DB, thanks po...sana nga makalaya na din...

    @Soltero, siguro nga darating din ang panahon na maghihilom din ang sugat, at ang pait at mawala na din, subukan ko po ung mga payo mo, tyyy!

    ReplyDelete